Dengue cases sa bansa,bumaba – DOH
Pababa na ang mga kaso ng dengue na naitala ng Department of Health nitong mga nakalipas na linggo.
Sa datos ng DOH, mula sa 5,380 noong Marso 24 to Abril 6 bumaba ito sa 5,211 nitong Abril 7 hanggang Abril 20.
Malaki naman ang ibinaba ng mga kaso ng sakit mula 21 hanggang Mayo 4 na 3,634 lamang.
Sa kabuuan, mula noong Enero hanggang Mayo 4 ay nakapagtala na ng 59,267 dengue cases sa bansa kung saan 164 ang nasawi.
Ngayong palapit na ang tag-ulan nagpaalala ang DOH sa publiko na mag-ingat sa dengue.
Kabilang sa sintomas nito ay mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuanc nausea at rashes.
Madelyn Villar – Moratillo