DENR kokonsultahin ang mga environmental scientist para sa impact assessment ng reclamation activities sa Manila Bay

Makikipagpulong ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa mga environmetal scientist para sa community impact assessment kaugnay sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ang inihayag ni DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga sa ginagawang budget deliberations ng House Committe on Appropriations kaugnay ng pondo ng ahensiya para sa 2024.

Sinabi ni Secretary Loyzaga na suportado nila ang suspension for review na utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa iba’t ibang Manila Bay reclamation projects.

Aminado si Loyzaga na mayroong contradiction sa pagitan ng reclamation at rehabilitasyon sa Manila Bay kaya mahalaga na malaman ang community impact assessment ng mga dalubhasa.

Ayon kay Loyzaga ang team ng mga environmental scientists ay binubuo ng chemical oceanographers, marine biologists at social scientists.

Magugunitang inaalmahan ng mga mga environmental advocates ang mga ginagawang reclamation activities sa ibat-ibang lugar ng bansa partikular sa Manila Bay dahil sa magiging epekto nito sa kapaligiran.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *