DENR nagsagawa ng tree planting activity sa Manila Baywalk
Nagsagawa ng tree planting activity ang Department of Environment and Natural Resources sa kahabaan ng Manila Baywalk.
Katuwang ng DENR sa programa ang Metropolitan Manila Development Authority, Manila LGU at Philippine Coconut Authority.
Ang pagtatanim ng mga puno ng niyog ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.
Kasama sa mga nanguna sa aktibidad si DENR Secretary Roy Cimatu kung saan ipinagmalaki niya na gumaganda na ang kalidad ng tubig ngayon sa Manila Bay kasunod ng mga ginagawang programa sa lungsod.
Dumalo rin sa aktibidad si MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija kung saan sinabi nito ang mga itinanim na puno ng niyog ay bahagi ng pagpapaganda sa Manila Baywalk.
Alam naman aniya ng lahat na ang Manila Bay ay bahagi ng turismo sa lungsod kaya mahalagang mapaganda rin ito.
Madz Moratillo