DENR, pinaigting ang wildlife monitoring sa Zamboanga Peninsula
Nagpapakalat ang Department of Environment and Natural Resources Region 9 ( DENR-9 ) ng kanilang mga tauhan sa Zamboanga Peninsula partikular sa mga paliparan, pantalan, at sa ibang area ng rehiyon para suriin ang transportasyon ng mga wild life sa gitna ng nararanasan ngayon na COVID-19 pandemic.
Ayon kay DENR Regional Director Crisanta Marlene Rodriguez, Mega-diverse country ang ating bansa na nangangailangan ng proteksiyon laban sa mga iligal na paghuli, pagkulong, at pagsira sa yaman ng ating kalikasan.
Sa ilalim ng Republic Act ( RA ) 9147, The Wildlife Resources, Conservation and Protection Act, papatawan ng multa at ikukulong ang sinumang mahuhuling mananakit, papatay, manira ng habitat, illegal trade, collecting or possession, hunting at illegal transport ng mga wildlife resources ng bansa.
Kamakailan lamang ay naka-rescue ang mga miyembro ng Philippine Ntional Police ( PNP ) sa Basilan ng isang agila habang isang juvenile Philippine eagle naman ang pinalaya ng DENR sa Siocon Zamboanga Del Norte sa gitna ng naturang pandemya.
Edwin Panes