Dental Sinusitis
Actually, dapat na term ay Odontogenic Sinusitis, pero para mas madaling mabigkas at maintindihan, ginawa kong Dental Sinusitis.
Ibig sabihin, ang source ng infection ng sinus ay sa bibig.
Ang dental ay connected sa oral health.
Ang roots ng mga ngipin ay nasa lining.
The floor of the nose is your upper teeth, kaya kapag may problema ang bagang o may trauma o infection, ito ang nagiging dahilan ng dental sinusitis ng isang tao, bata man o matanda.
Ang mga batang may bad bite or malocclusion, ang epekto nito ay malakas na untog sa sinus nila kaya bata pa lang ay sipunin na, laging nangangati ang ilong dahil may problema sa oral health.
Sa mga maagang nabunutan at pinabayaan lang ang mga ngipin na hindi pinalitan o hinayaang mapudpod na lang ang mga ngipin, hindi magiging katakataka kung may sinus infection sila.
Kaya nga lagi kong sinasabi na dapat ay isama sa check-up, dapat may regular dental check-up.
Ang sintomas ng dental sinusitis ay halitosis o bad breath, nilalagnat, nawawala ng panlasa o nagkakaroon ng epekto sa panlasa, laging may nasal drip, at nakararamdam ng tooth pain o sakit ng ngipin.
Ang toothache ay isang ngipin lang ang apektado, pero kapag dental sinusitis, akala mo lahat ng ngipin sa itaas ay masakit .
Tandaan na iba ang pain ng dental sinusitis sa karaniwang toothache .
Hindi mo maituro kung anong ngipin talaga ang masakit.
Samantala, puwede ding ang sintomas ng dental sinusitis ay pamamaga ng mata at sakit sa tenga.
Ang treatment sa dental sinusitis, kapag may bulok na ngipin ay ipabunot kung talagang wala ng magagawang paraan para hindi bunutin.
Maaaring sa pamamagitan ng root canal.
Naaayos naman para walang pressure sa sinus natin.
Ang cause ng pressure ay galing din sa ngipin kahit hindi bulok, puwedeng dahil sa maling kagat or bad bite .
Kapag may bad bite, kapag ngumunguya ay malakas ang impact sa sinus natin.
Depende sa root cause kung paano gagamutin.
Sa panoramic x-ray ay makikita naman din kung may problema.