Denver Murray pinagmulta ng NBA ng $100,000 matapos batuhin ng heating pad ang isang game official

Denver Nuggets guard Jamal Murray, celebrating a foul called against Minnesota, was fined $100,000 by the NBA for throwing multiple objects, including a heating pad, at a referee during play in an NBA playoff contest / MATTHEW STOCKMAN / GETTY IMAGES NORTH AMERICA/AFP

Pinagmulta ng NBA ng $100,000 ang Denver Nuggets guard na si Jamal Murray, dahil sa pambabato ng mga bagay sa isang game official habang ongoing ang laro.

Ang ikinilos na ito ni Murray, kasama na ang pagbato ng isang heating pad sa isang referee, ay nangyari sa laban ng Denver at Minnesota Timberwolves noong Lunes, na pinagwagian ng Minnesota.

Ang ginawa ni Murray ay inilarawan ng Minnesota coach na si Chris Finch na “dangerous and inexcusable.”

Nasungkit ng Timberwolves ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference best-of-seven second round series, na ang games 3 at 4 ay sa Minnesota.

Ang 27-anyos na Canadian, ay nag-average ng isang career-high na 21.2 points, isang career-high na 6.5 assists, dagdag pa ang 4.1 rebounds at 1.0 steals a game para sa Nuggets ngayong season.

Tinalo ng defending NBA champion Nuggets, ang Los Angeles Lakers s aopening round ng playoffs. Tinalo rin nila ang T-Wolves mula sa playoffs noong nakaraang taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *