Department of Agriculture, plano na ring magpatupad ng MSRP sa mga karne ng baboy

0
PORK MEAT

Plano na rin ng pamunuan ng Department of Agriculture (D-A), na magpatupad ng maximum suggested retail price o MSRP sa mga karne ng baboy pagdating ng Marso, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga ito.

Ayon kay Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, posibleng maisapinal na ang pakikipag-usap nila sa stakeholders ngayong linggo hinggil sa pagpapatupad ng MSRP sa karne ng baboy sa susunod na buwan.

Bagama’t wala pang tukoy na presyo, pero maaaring mas mababa ito sa P400 bawat kilo.

Ngunit sakaling P250 ang farmgate price, ay maaari itong patungan ng P100. Maituturing na itong resonableng presyo.

Una nang ipinatupad ng D-A ang MSRP sa mga bigas upang mapababa pa ang presyo ng bawat kilo nito sa merkado.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *