Deped, bumabalangkas na ng mga patakaran para sa pagbubukas ng klase
Ikinukunsidera ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng opsyon na maaaring pagpilian ng mga pampublikong eskwelahan sa pagbubukas ng klase.
Sa harap ito ng mga rekomendasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na limitahan ang mga papasok na mga bata sa bawat classroom dahil sa siksikan at gumamit ng radyo o tv sa pagtuturo.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, kasama ngayon sa kanilang tinatalakay ang posibleng shifting at batch by batch na pagpasok ng mga estudyante.
Bumabalangkas na rin aniya sila ng iba pang modules sa pagtuturo hanggang sa mga bahay.
Nagsimula na rin aniya ang kanilang konsultasyon sa Asosasyon ng mga Pribadong eskwelahan para talakayin kung kailangan nilang sumabay sa pagbubukas ng klase at mga sistema ng ipatutupad sa mga eskwelahan.
Ulat ni Meanne Corvera