DepEd handa na sa pagbubukas ng klase sa June 3
Mahigit 27 milyong mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 ang inaasahang daragsa sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan batay sa pagtaya ng Department of Education o Deped para sa school year 2019-2010.
Sa weekly economic briefing sa Malakanyang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga nabanggit na bilang ng mga estudyante ay daragsa sa may kabuuang 61 libong eskuwelahan sa buong bansa.
Ayon kay Briones 47 libo rito ay mga paaralang nasa ilalim ng DEPED.
Inihayag ni Briones ang bilang na ito ay mas marami kumpara sa dating 40 libong mga paaralan sa nakaraan.
Niliwanag ni Briones na itinakda ng pamunuan ng Deped ang araw ng pasukan sa darating na Hunyo a-tres at magtatapos ng Abril 2020.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: