DEPED, inilabas na ang school calendar sa paparating na school year
Inilabas na ng Department of Educaton ang school calendar at activities para sa school year 2022-2023.
Sa abiso ng DEPED, bubuksan ang klase sa August 22.
Sa School Calendar, papayagan ang mga eskwelahan na magsagawa ng blended learning at full distance learning hanggang sa October 31, 2022.
Pero simula sa November 2, obligado ang lahat ng pribado at mga pampublikong eskwelahan na magsagawa ng limang araw na in person o face to face classes.
Pero hindi muna papayagan ang pagsasagawa ng mga extra curricular activities.
Ang first quarter ay itinakda mula August 22 hanggang November 5, November 7 hanggang February 3 ang second quarter, February 2023 hanggang April 28, 2023 naman ang third quarter habang May 2 hanggang July 7 ang huling quarter.
Meanne Corvera