DepEd, magtatayo ng mas marami pang child development centers sa underserved areas ng bansa

President Ferdinand R. Marcos Jr. (middle) joins Education Secretary Sonny Angara (left) and Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman as they signed a joint circular on Thursday (April 3, 2025) / (Photo courtesy of DepEd)
Inihayag ng Dept. of Education (DepEd), na marami pang child development centers (CDCs) ang itatayo sa underserved areas ng bansa.
Ito’y matapos ang paglalagda ng DepEd sa isang joint circular kasama ang Department of Budget and Management (DBM), kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tiyakin ang de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.
Sa isang pahayag ay binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara, ang kahalagahan ng suporta para sa “early childhood education,” laluna sa mga lugar na mayroong mababang kita.
Aniya, “The investment we make in early childhood education today determines the kind of nation we build tomorrow. This is not just about education; it is a nation-building strategy.”
Hindi bababa sa 3,800 barangays sa bansa ang walang CDCs, ayon sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.
Binigyang-diin din ng kalihim, na ang CDC ay magsisilbing “game-changer” tool para s mga kabataan upang magkaroon ng mas magandang kinabukassan.
Sa ilalim ng joint circular, ang local government units (LGUs) ay magkakaroon na ng malinaw na guidelines kung paano hihiling at magkakaroon ng access funding mula sa Local Government Support Fund – Financial Assistance, para sa konstruksiyon, rehabilitasyon o upgrading ng multipurpose buildings (MPBs), na gagamitin bilang CDCs.
Batay sa circular, ipa-prioritize sa pagpopondo ang low-income LGUs.
Kung pag-uusapan naman ang proseso, gagamitin ng LGUs ang DBM apps portal upang magpadala ng fund requests para sa MPB projects, na sasailalim naman sa ebalwasyon at endorsement ng DepEd.
Gayunman, may bahaging dapat balikatin ang LGUs, kabilang ang hindi bababa sa 150 square meters ng land area; maging ang suweldo ng mga guro at gastusin sa utilities.
PNA