DepEd nag-aanyayang lahukan ang kanilang Educ Forum Series
Inaanyayahan ng Department of Education (DepEd) ang publiko, na lahukan ang kanilang Educ Forum Series sa taong ito, na ang pokus ng topic ay “Addressing the Challenge of Education Quality.”
Ito ay para magsilbing platform para sa talakayan, impormasyon, at pinuhin ang mga hakbangin sa reporma, at iugma ang karagdagang mga aksiyon.
Nanghihikayat ang DepEd na daluhan ang ika-4 na episode ng Educ Forum Series na may pamagat na “Opportunities and Challenges on the Reintroduction of Face-to-face Classes,” na gaganapin sa Huwebes, Nobyembre 11 sa ganap na alas-9:00 ng umaga.
Ang episode na ito ay tututok sa Engagement of Stakeholders for Support and Collaboration, na siyang ika-4 na haligi ng Sulong EduKalidad na ang layunin ay patatagin ang “partnership” sa iba’t-ibang sektor at komunidad sa pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Maigting na hinihimok na makilahok dito ang mga guro kapwa mula pampubliko at pribadong mga paaralan, para magkaroon ng mas malawak na kamalayan at pampublikong talakayan tungkol sa isyu ng edukasyon.
Ang livestream episode ay mapapanood sa official Facebook page at YouTube channel ng DepEd Philippines.