DEPED, nagsimula nang mamahagi ng Educational Materials bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase
Halos dalawang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa mga pampublikong eskwelahan, nagsimula nang mamahagi ang Department of Education ng mga Learning materials.
Sa pagdinig ng Senate Committee on basic education, sinabi ni DepEd Usec. Atty Nepomuceno Malaluan na hanggang ngayong umaga, umaabot na sa dalawamput limang llibo sa may 42 thousand na mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa ang nakapagbigay ng mga printing modules.
Natapos na rin aniya ang dry run ng may mahigit tatlumpung libong mga eskwelahan.
Kasama sa kanilang dry run ang flag raising ceremony at paano ang magiging context ng home based learning.
Tuloy naman aniya ang feeding program sa mga estudyanteng malnourished at mga batang stunted.
Pero dahil wala nang face to face learning, hindi na magluluto ng hot meals para sa mga bata sa halip isusuplay na lang ang pagkain sa bahay ng mga batang sakop ng programa.
Kasama na rito ang lahat ng batang kindergarten ngayong pasukan at mga estudyante na natukoy na payat at malnourished noong nakaraang school year.
Gagawin ang programa sa pagsisimula ng pasukan sa October at matatapos bago ang school break sa disyembre.
May ugnayan na aniya sila sa food nutrition research institute ng dost para sa mga pagkaing maaaring isuplay sa mga bata ng stunted at severely wasted.
Meanne Corvera