DepEd, nakatanggap ng halos 400 laptop mula sa USAID
Pinagkalooban ng United States Agency for International Development (USAID) ang Pilipinas ng 371 laptops bilang suporta sa Basic Education Learning Continuity Plan nito ngayong may Pandemya.
Ayon sa US Embassy, nagkakahalaga ng mahigit 16 Milyong piso ang donasyong laptops na itinurn-over sa Department of Education.
Ang mga laptops ay susuporta sa mga Alternative Learning System teachers at coordinators na siyang nagbibigay edukasyon sa mga out-of-school na kabataan.
Gagamitin ng mga ALS teachers at administrators ang mga laptops para sa kanilang pagtuturo, pag-update ng lesson content, at pagsubaybay sa progress ng mga mag-aaral.
Ang donasyon ay bahagi ng Opportunity 2.0 ng USAID na limang taong proyekto para matulungan ang DepEd, TESDA at LGUs sa kanilang education programs sa mga out-of-school youths.
Moira Encina