DepEd,humingi ng donasyon para sa pagbubukas ng face-to- face classes
Umaapila ng donasyon ang Department of Education para sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nangangailangan sila ng karagdagang temporary learning spaces para sa in person classes lalo na sa mga lugar na naapektuihan ng lindol at mga nagdaang bagyo.
Tatanggap rin ang DepEd ng learner’s kit tulad ng mga libro at school supplies para sa mga kabataang wala talagang pambili.
Sinabi ni Poa, puspusan na ang paghahanda ng lahat ng mga eskwelahan para sa pagbubukas ng klase.
Ang problema na lang aniya ngayon ay ang mga mag-aaral sa Abra at iba pang lalawigan sa Northern Luzon kung saan nasira ang may 427 na mga eskwelahan.
Matatagalan pa raw kasi kung hihintayin nila ang aaprubahang pondo ng kongreso para sa konstruksyon ng mga nasirang paaralan.
Pero ang nakakalungkot aniya tinapyasan pa ng Department of Budget and management ang kanilang hinihinging budget na 848 billion pesos para sa 2023 at ginawang 701 billion pesos.
Meanne Corvera