Deployment ceiling sa mga Pinoy nurse sa abroad, itinaas na ng IATF
Dinagdagan na ng Inter-Agency Task Force ang deployment ceiling sa mga Pinoy nurse na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pinagtibay ng IATF ang resolution na dagdagan ang deployment ng Pinoy nurses abroad.
Ayon kay Roque mula sa dating 5000 cap annually ay ginawa itong 6500.
Inihayag ni Roque exempted sa ceiling ang government to government deployment para sa Mission Critical Skills o MCS ngayong panahon ng pandemya ng COVID 19.
Magugunitang itinakda ng IATF noong Disyembre ng nakaraang taon na 5000 nurses kada taon lamang ang papayagan ng gobyerno na makalabas para magtrabaho sa abroad upang hindi magkaroon ng kakulangan sa medical workers sa bansa.
Vic Somintac