Deployment ng ACM na gagamitin sa May 2025 elections, sinimulan na ng Comelec

Courtesy: COMELEC
Alas doce uno kaninang hatinggabi nang simulan ng Comelec ang deployment ng automated counting machinese (ACM), na gagamitin sa halalan sa Mayo.
Pinangunahan mismo ito ng mga opisyal ng Comelec at citizens arm ng poll body.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 3,700 machines ito na idedeliver muna sa kanilang mga hub.
Uunahin ng Comelec sa deployment ang pinakamalalayong lugar sa bansa.
Para sa unang batch ng deployment ng mga makina dadalhin ito sa Lanao del Norte at Sur, Tawi Tawi, Basilan at Zamboanga.
Huli namang idedeliver ang para sa National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon dahil mas malapit na ito ayon kay Garcia.
Nauna naman nang idineploy ng Comelec ang iba pang gagamitin sa halalan tulad ng mga baterya at iba pang paraphernalia.
Para naman sa mga makinang gagamitin sa overseas absentee voting (OAV), nauna na aniya itong maipadala dahil sa Abril 13 na ang simula ng OAV.
Madelyn Villar-Moratillo