Deportation ng umnano’y ISIS member, ipinag-utos na ng BI
Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration ang deportasyon o pagpapatalsik sa bansa ng babaeng Syrian na hinihinalang may koneksyon sa teroristang grupong ISIS.
Ito ay matapos aprubahan ngBI Board of Commissioners ang summary deportation order laban kay Rahaf Zina.
Nang madakip ng mga otoridad ilang linggo na ang nakakaraan nabigo si Rahaf na makapagprisinta ng valid visa passport at travel document na makakapagpatunay na legal ang pananatili niya sa bansa.
Si Rahaf ay idedeport sa Qatar na huli niyang pinanggalingan o port of origin bago pumunta sa Pilipinas.
Kaugnay nito ilalagay na ang pangalan ni Rahaf sa immigration blacklist para hindi na ito muling makapasok ng Pilipinas.
Si Rahaf ay sinasabing byuda ng number two commander ng ISIS na napatay sa Syria habang ang bago niyang asawa na si Hussein Aldhafiri ay sinasabing ISIS bomb-maker at nagpaplano ng terror attack sa Kuwait.
Ulat ni: Moira Encina