Deportation sa Australyanong si Patricia Fox, kinundena ng Oposisyon

Kinundena ng oposisyon ang hakbang ng gobyerno na ipadeport ang Australian Missionary na si Patricia Fox dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kaniyang pananatili dito sa bansa.

Ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, ang naturang hakbang ng pamahalaan ay pagpapakita lang ng pagiging duwag.

Giit ng senador, maaring magtagumpay ang gobyerno sa ginagawa ntiong harassment sa mga human rights advocates at faith-based organizations ngunit hindi umano ito magtatagal.

Sa mga ganito aniyang panggigipit lalong lumalakas ang resistance mula sa taongbayan na inihalintulad pa ni Pangilinan sa naging kapalaran ni Adolf Hitler.

Nauna nang ipinag utos ng Bureau of Immigration na ipadeport na si Fox matapos ipag-utos ng Pangulo ang disorderly conduct ng dayuhan.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *