Dept. of Agriculture Region 4a nai-turn over na ang P3.9-Million pesos worth of agricultural and marketing interventions sa mga magsasaka sa General Trias City Cavite.
Nai-turn over na ng Dept. of Agriculture. Calabarzon ang nasa P3.9-Million pesos worth of agricultural and marketing interventions para sa mga magsasaka sa General Trias City Cavite.
Kaugnay ito ng pagdiriwang ng ahensya na Farmers and Fisherfolk Month, na may temang “May Pandemya man o wala, Masasaka’t Mangingisda, Maaasahan ng Bansa,”
Natanggap ng mga grupo ng maggugulay sa General Trias City ang P2,107,970 worth of intervention na kinabinilangan ng mushroom house, mushroom bags, bagging machine, improvised autoclave, heavy dust cast, aluminum pressure cooker, multipurpose portable spin drying dehydrator, air fryer, continuous vertical band sealer, assorted vegetable seeds, mga garden tool, plastic drum, mulon, knapsack sprayer, seeding trays, organic fertilizer, multitiller, grasscutter, greenhouse with hydrophonics, at plant growth enhancer.
Bukod riyan, tumanggap din ang mga magsasaka ng P600-K worth of bag of muriate of potash na mula naman sa Taal volcano eruption quick response fund of DA-4A.
Samantala, nasa 1.2 Million pesos financial grants naman ang natanggap ng General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative para sa enhancement program ng Kadiwa ni Ani at kita sa lungsod sa pamamagitan ng ahensya.
Pinasalamatan ng mga magsasaka ng General Trias City ang Dept. of Agriculture sa pamumuno ni D.A reg. 4a OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, sa mga ibinigay na tulong sa kanila ng ahensya lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad at pandemiya bunsod ng Covid 19.
Nagpapasalamat din si Dimaculangan sa lahat ng magsasaka hindi lamang sa buong Cavite kundi maging sa buong Calabarzon dahil sa sipag at tiyagang pagtatanim ng mga ito para makapag produce ng mga aanihing palay, prutas at gulay at isda kahit ngayong napakahirap ng panahon dahil sa patuloy na nararanasang pandemiya sa bansa.