Desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Chief Justice Sereno “Immediately executory”; Sereno pinatawan ng Show cause order

“Immediately executory without need of further action from the court” ang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin at idiskwalipika si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nakasaad pa sa dispositive portion ng desisyon na isinulat ni Justice Noel Tijam na napatunayan si Sereno na Guilty of unlawfully holding and exercising the office of the Chief Justice .

Kaugnay nito idineklarang bakante ng Supreme Court ang posisyon ng Punong Mahistrado.

Inatasan din ng Supreme Court ang Judicial and Bar council o JBC na simulan na ang application at nomination process para sa susunod na Punong Mahistrado.

Kasabay nito pinatawan ng show cause order ng Korte Suprema si Sereno dahil sa paglabag sa Code of Professional responsibility at Code of Judicial conduct for transgressing.

Binigyan ng sampung araw ng SC si Sereno para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat  patawan ng parusa.

Ito ay dahil sa pagsuway sa Subjudice rule at pagbanat at paninira sa  mga kapwa niya mahistrado ng Korte Suprema sa publiko.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *