Desisyon ng Korte Suprema sa Quo warranto petition laban kay Sereno itinakdang ilabas sa May 17

Nakatakda nang desisyunan ng Korte Suprema sa susunod na buwan ang Quo Warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Nagpasya ang mga mahistrado sa kanilang regular en banc session sa Baguio City na magdaos ng special en banc session sa May 17 para talakayin at pagbotohan ang Quo warranto.

Ang ponente sa kaso na si Justice Noel Tijam ay mayroong hanggang April 23 para paikutin sa mga myembro ng En banc ang kanyang isinulat na desisyon.

Sa idinaos na oral arguments noong nakaraang linggo, itinakda ng supreme court ang pagsusumite ng memorandum ng office of the Solicitor General at kampo ni Sereno sa April 20.

Ang huling summer session ng Korte Suprema ay sa April 24,  at naka-recess ito ng Mayo para tutukan ang pagsusulat ng mga desisyon.

Sa Quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida, hiniling nito na mapawalang bisa ang pagkakatalaga kay Sereno bilang Chief Justice dahil sa isyu ng integridad matapos di makapagsumite ng SALN nang siya ay maging faculty sa UP College of Law.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *