Desisyon ng SEC laban sa Rappler, pinangangambahang magdudulot ng chilling effect sa iba pang media entities
Tama lang ang ginawa ng Securities and Exchange Commission o SEC na kinansela ang prangkisa ng rappler sa kaso ng foreign ownership.
Ayon kay Senador Richard Gordon, katunayan ito na walang dapat manaig sa justice system at hindi dapat mabigyan ng special privelege ang sinumang media entities o kumpanya.
Nauna nang tumanggi ang Rappler na sumunod sa kautusan ng SEC at tiniyak na tuloy ang kanilang operasyon hanggat walang rulling ang Korte Suprema.
Pangamba naman ni Gordon maaring magdulot ito ng chilling effect sa iba pang media entities
Mahalaga aniya ngayon makapagprisinta ang SEC ng matitibay na enidensya na susuporta sa naging desisyon nito laban sa Rappler
Dapat kasi aniyang isa alang alang ang kasagraduhan ng press freedom na ginagarantyahan rin ng saligang batas .
“I would like to commend the Securities and Exchange Commission for enforcing the constitutional clause on media ownership in our country. It shows that no one is exempt and has special privilege in our justice system,”
However, the SEC should be ready to present convincing and factual evidence to back its ruling on Rappler because the Freedom of the Press is sacrosanct in every democracy. The Freedom of the Press is our insurance that we have a clear and transparent society,”
Ulat ni Meanne Corvera