Desisyon ni Pangulong Duterte na panatilihin sa puwesto si COC Commissioner Nicanor Faeldon dapat igalang ayon sa Malakanyang
Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa puwesto si Commissioner Nicanor Faeldon sa kabila ng kontrobersiya sa pagkakalusot ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs.
Sa kabila ito ng panawagan ng mga kongresistang kaalyado ni Pangulong Duterte na sibakin na si Faeldon sa puwesto dahil sa kapalpakan sa pamamalakad sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Faeldon.
Ayon kay Abella sa halip na sibakin si Faeldon inatasan pa ito ng Pangulo na pagbutihin ang kanyang trabaho para mapaglingkuran ang bayan bilang pinuno ng Bureau of Customs.
Ulat ni: Vic Somintac