Device na tinawag na electronic ‘noses,’ maaaring makatulong sa maagang pag-detect ng forest fire
Sinusubok ngayon sa Brandeburg, ang rehiyon sa Germany na malimit tamaan ng forest fires, ang mga sensor na maaaring maka-detect ng napakalaking apoy ilang minuto matapos iyong magsimula.
Sa gitna ng kagubatan ng Eberswalde sa hilagang-silangan ng Berlin, si Juergen Mueller ay nagpalabas ng apoy mula sa isang fire pit gamit ang mga sanga ng pine tree na madaling magliyab upang makalikha ng apoy.
Hindi nagtagal ay nagsimula nang pumailanlang sa hangin ang usok.
Sinubok ng 69-anyos na retired forestry expert ang isang green-and-black device, na pinagagana ng solar energy, na maaaring maka-detect ng mga gas na lumalabas sa panahon ng pinakamaagang, nagbabagang yugto ng sunog.
Ang mga device ay ginawa dalawang taon na ang nakararaan ng Berlin start-up na Dryad Networks, na itinatag ni Mueller, na nilagyan ng mga ultra-sensitive gas sensor na binuo ng German engineering firm na Bosch.
Sinabi ni Mueller, “Acting like ‘an electronic nose,’ the sensors are attached to trees and also monitor temperature, humidity and air pressure. In 10, 15 minutes we can detect an incipient fire before it becomes an open fire, faster than traditional surveillance systems.”
Sa tulong ng artificial intelligence, masasabi ng sensor ang pagkakaiba sa pagitan ng namumuong wildfire o, halimbawa, ay mga usok mula sa dumaraang diesel truck.
Sa kanyang lab sa Eberswalde, tini-train din ni Mueller ang device na matukoy ang iba’t ibang uri ng wildfire, sa pamamagitan ng paglalantad nito sa usok mula sa isang hanay ng wood shavings.
Aniya, “By doing this, the sensor learns ‘what the smoke from a pine or beech forest’ smells like.”
Sa sandaling matukoy ang isang sunog, magpapadala ang sensor ng data sa isang cloud-based monitoring system na mag-aalerto naman sa fire authorities.
Ang Eberswalde forest ay nilagyan ng humigit-kumulang 400 sensor, o isang device kada ektarya (2.5 ektarya), bilang bahagi ng isang pilot project sa munisipyo upang subukan ang pagiging maaasahan ng early-warning system.
Ayon sa Dryad Networks, 10 mga bansa kabilang ang United States, Greece at Spain ang nag-eeksperimento na rin sa naturang device.
Ang kompanya ay nakapagbenta na ng humigit-kumulang sa 10,000 noong isang taon. Pagdating ng 2030, ay target nito na makapagkabit ng 120 milyong device sa buong mundo.
Nakikita naman ni Raimund Engel, forest fire protection officer ng Brandenburg, na ang sensors ay dagdag na pakinabang sa visual detection method na kasalukuyan nang ginagamit sa estado.
Mula sa itaas ng 105 towers, ini-scan ng 360-degree rotating cameras ang mga nakapaligid na landscape na dati ay mga human observer ang nagbabantay.
Sa forest fire centre naman sa Wuensdorf, sa timog ay mahigpit na binabantayan ni Engel ang images na kanilang natatanggap, at pinatutunog ang alarma kapag nakakita siya ng panganib.
Sa 521 forest fires na naitala noong 2022, ang Brandenburg ang pinakaapektadong rehiyon sa Germany.
Ayon kay Engel, “Because of climate change, the weather conditions in the forest-rich area are ‘very similar to some Mediterranean regions,’ with periods of drought and temperatures that sometimes reach up to 40 degrees Celsius (104 degrees Fahrenheit).”
Aniya, “Super-early intervention is key to preventing wildfires from raging out of control. The faster we detect the fire, the quicker firefighters can be on the scene.”