DFA Consular office sa Maynila, sarado ng 2 araw para sa disinfection
Itinigil muna ang operasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) consular office sa SM- Manila matapos magpositibo sa Covid-19 ang pitong kawani nito.
Sa advisory ng DFA, sarado mula September 20-21 ang tanggapan para bigyang-daan ang disinfection.
Inabisuhan ang mga passport applicant na maghintay ng email kaugnay sa detalye ng kanilang bagong appointment schedule.
Maaari namang makontak ang DFA consular office sa NCR West sa mga numerong: 8536-9995 at 0920-503-7256, o sa mga sumusunod na email addresses:
* Email: [email protected], [email protected]
* For passport processing concerns: [email protected]
* For authentication processing concerns: [email protected]
* For passport/apostille releasing concerns: [email protected]