DFA gumagawa ng hakbang para maayos ang hindi pagkakaunawaan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA), na patuloy itong gumagawa ng mga mapayapang hakbang para maisaayos ang hindi pagkakaunawan sa Tsina kaugnay sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA Acting Secretary Ma. Theresa Lazaro, pinupursige nito ang mga diplomatikong pamamaraan para matugunan ang isyu kasunod na rin ng June 17 Ayungin Shoal incident.
Tinatalakay pa aniya ng pamahalaan ang mga susunod na hakbangin.
Ayaw namang banggitin ng opisyal kung naipatawag na ng DFA si Chinese Ambassador Huang Xilian ukol sa pinakahuling pangyayari sa Ayungin Shoal.
Ayon kay DFA acting secretary Ma. Theresa Lazaro, “We are also doing something on the diplomatic front. We have a mechanism that has been in existence for quite a number of years. That’s the bilateral consultative mechanism on the South China Sea.”
Moira Encina