DFA handa na tulungan ang Office of the Solicitor General sa mga legal na hakbangin kaugnay sa pagkasira ng Rozul Reef
Suportado ng Department of Affairs (DFA) ang ginagawang pag-aaral ng Office of the Solicitor General (OSG) sa mga legal na opsyon ng bansa kaugnay sa mga isyu sa West Philippine Sea kabilang ang pagkasira ng mga likas na yaman sa Rozul Reef.
Ayon sa DFA, hinihintay pa nito ang mga assessment ng mga kinauukulang ahensya sa environmental damage sa Rozul Reef.
Sinabi ng DFA na sa ilalim ng Article 192 ng UNCLOS ay obligado ang mga estado na protektahan at pangalagaan ang marine environment.
Batay din anila sa 2016 Arbitral Award sa South China Sea, ang mga estado na pumapasok sa EEZ ng Pilipinas at maritime zones ay inoobliga ria ipreserba ang marine environment ng bansa.
Kaugnay nito, inihayag ng DFA na handa ito na tumulong sa mga legal na opsyon na ipupursige ng OSG ukol sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ayon sa kagawaran, magpapagabay sila sa OSG sa mga hakbang sa mga pangyayari sa South China Sea.
Moira Encina