DFA, hindi kumbinsido na nine-dash lines ang ipinapakita sa “Barbie” movie
Naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng formal opinion ukol sa sinasabing depiksyon ng nine-dash line sa Hollywood movie na “Barbie.”
Ang nine-dash line ang basehan ng Tsina sa pag-angkin nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sinabi ng DFA na “fictitious path” sa isang “imaginary world map” ang mga linya sa mapa na ipinakita sa pelikula matapos ang masusing pagrebyu rito ng kagawaran.
Una nang hiningi ng Movie and Television Review and Classification Board ( MTRCB ) ang opinyon ng DFA sa isyu para matiyak na hindi kontra sa national interest ng Pilipinas at sa 2016 Arbitration Ruling ang mapa sa “Barbie” movie.
Moira Encina