DFA kinansela na ang PH passport ni Alice Guo
Tuluyan nang kinansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte sa Pilipinas ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, epektibo ng Setyembre 30, 2024 ang pagkansela sa Philippine passport ni Guo.
“ The cancellation of the Philippine Passport issued to the dismissed Bamban mayor was effected on 30 September 2024, by virtue of Section 10 (b) (4) of Republic Act No. 11983 or the New Philippine Passport Law.” ani Daza.
Sinabi pa ng opisyal na kinansela nito ang pasaporte ni Guo matapos matanggap mula sa Department of Justice (DOJ) noong Setyembre 18 ang sertipikasyon na inisyu ng National Bureau of Investigation (NBI) na tugma ang biometrics sa DFA ni Alice Guo sa biometrics ni Guo Hua Ping sa NBI.
Alinsunod aniya sa New Philippine Passport Law, maaaring kanselahin ng DFA ang pasaporte kung nakuha ito fraudulently o may pandaraya.
Siniguro ng DFA na obligado ito na mapangalagaan ang seguridad at integridad ng mga pasaporte ng Pilipinas.
Ipinatutupad din ng kagawaran ang zero tolerance policy laban sa mga tao na di sinusunod ang mga tuntunin ng passport application.
“The DFA is committed to upholding the security and integrity of issuing Philippine passports and assures the public that fraudulent application and acquisition of passports are referred to law enforcement agencies for investigation and prosecution. The DFA enforces Zero Tolerance Policy for unscrupulous individuals circumventing the Philippine passport application and issuance procedures ” giit ng DFA official.
Moira Encina-Cruz