DFA, muling nilinaw na walang kasunduan sa pagitan ng PHL at Tsina para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang kasunduan ang Pilipinas at Tsina para tanggalin ng bansa ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ay kaugnay ng paggiit ng Embahada ng Tsina sa bansa na dapat tuparin ng Pilipinas ang pangako nito na alisin ang war ship.
Sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na walang sinuman sa gobyerno ang papasok sa isang kasunduan na mag-aabandona sa karapatan at soberenya nito sa sariling teritoryo.
Aniya, itinanggi na mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iral ng nasabing kasunduan at kung mayroon man ay ipinawawalang-bisa niya ito.
Hinimok naman ng DFA ang mga mamamahayag na kontrahin ang mga naratibo na walang batayan gaya ng mga pahayag ng China.
Unang iginiit ng Chinese Embassy na para manatili ang kapayapaan at stability sa South China Sea ay dapat tanggalin ang Philippine Navy war ship na iligal umanong nananatili sa Ayungin Shoal.
Chinese Embassy Satatement:
“ Zhou said China once again urges the Philippines to take seriously China’s grave concerns, honor its promise, stop making provocations at sea, stop making dangerous moves, stop groundlessly attacking and slandering China, and to tow away the illegally “grounded” warship as soon as possible so that the peace and stability of the South China Sea will not be jeopardized and the common interests of countries in the region will not be affected.”
Moira Encina