DFA, naghahanda na sa posibleng repatriation ng OFWs sa Myanmar
Naghahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para ilikas ang mga Filipino sa Myanmar.
Ayon kay Secretary Teddy Locsin Jr., ito ay kung lulubha pa ang sitwasyon sa bansa.
May nakatakda na aniya siyang pulong kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan para alamin ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.
Nauna nang nagdeklara ng military coup sa Myanmar kung saan ipinakulong din ang mga elected officials doon.
Pero sa ngayon, sinabi ni Locsin na wala pang Pinoy na nagbo-boluntaryong bumalik sa Pilipinas.
Meanne Corvera
Please follow and like us: