DFA naghain ng protesta laban sa baselines ng Tsina sa paligid ng Bajo De Masinloc

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa Tsina bunsod ng anunsiyo nito ng baselines sa paligid ng Bajo De Masinloc.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, isinampa ang protesta noong Martes, November 12.

Sa pinakahuling tala ng DFA, kabuuang 56 protesta laban sa China ang naihain ng Pilipinas ngayong taon.

Umaabot naman aniya sa 189 protesta ang naisampa ng Pilipinas laban sa Beijing sa ilalim ng Pamahalaang Marcos mula July 1, 2022 hanggang November 12, 2024.

Una nang iginiit ng National Maritime Council na labag ang nasabing baselines ng Tsina sa matagal nang soberenya ng Pilipinas sa Bajo De Masinloc.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *