DFA nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisdang Pinoy sa insidente sa Bajo de Masinloc

Nakikidalamhati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga pamilya ng mga namatay na Pilipinong mangingisda sa collission incident sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang trahedya para matukoy ang mga nangyari at ang barkong responsablem

Sinabi ni Daza na mas mabuting hintayin muna ng DFA ang mga resulta ng imbestigasyon bago maglabas ng mga karagdagang pahayag sa insidente.

Ito ay bilang respeto aniya sa mga nagluluksang kamag-anak ng mga mangingisda.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *