DFA nangangamba sa ulat ng reclamation activities ng China sa unoccupied features sa Spratlys
Lubhang nababahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa napaulat na reclamation activities ng Tsina sa unoccupied features ng Spratly Islands.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, ang mga nasabing aktibidad ay kumukontra sa Declaration of Conduct on the South China Sea at sa 2016 Arbitral Award.
Sinabi ni Daza na umugnay na ang DFA sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para iberipika ang naturang ulat.
Sa pinakahuling tala ng DFA, umaabot na sa 193 ang inihain nitong diplomatic protests sa Tsina ngayong taon.
Batay sa ulat, inakusahan ang China ng pagtatayo sa mga unoccupied land features sa South China Sea.
Moira Encina