DFA, pinabibigyan ng papel sa pagbili ng bakuna
Pinabibigyan ni Senador Francis Tolentino ng malaking papel ang Department of foreign affairs sa pagbili ng bansa ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Senador , kailangang gamitin ang diplomatic relations ng Pilipinas para mabilis na makabili ng bakuna lalo na sa bansa na hindi kasama sa kinakausap ng Department of health at ng inter agency task force o IATF.
Inihalimbawa nito ang Cuba kung saan may diplomatic ties ang Pilipinas noon pang 1975 , pero hindi kabilang sa kinakausap ng DOH at IATF.
Ang Cuba aniya ang nakadevelop ng bakuna laban sa COVID-19 na tinatawag na Abdala at Soberana 2 kaya nga hindi sila bumibili sa ibang bansa ng bakuna tulad ng Pfizer at Moderna.
Bukod pa rito ang India kung saan pwedeng makabili ng bakuna Covovax.
Sinusuportahan si Tolentino ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri na nagbigay -diin na dahil sa diplomatic relations ng Pilipinas kaya nabigyan agad ang Pilipinas ng Pfizer at Jansen and Jansen ng Estados Unidos,Sputnik ng Russia at ng mga bakuna mula sa China.
Meanne Corvera