DFA Sec. Manalo, lalahok sa 56th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Jakarta, Indonesia
Muling magpupulong ang foreign ministers ng mga bansa na miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na gaganapin sa Jakarta, Indonesia mula July 11 hanggang July 14.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lalahok si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa 56th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) and Related Meetings.
Sinabi ng DFA na ihahayag ni Sec. Manalo sa nasabing pagpupulong ang mga prayoridad ng Pilipinas sa ASEAN-led bodies gaya ng ASEAN Plus Three (APT), East Asia Summit (EAS), at ASEAN Regional Forum (ARF).
Inaasahang tatalakayin din ng ASEAN Foreign Ministers ang iba’t- ibang regional at international issues.
Magsisilbing Co-Chair din si Manalo kasama ang EU sa ASEAN-EU Post Ministerial Conference.
Moira Encina