DFA, tiniyak na mananagot ang China sa pangha-harass sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough shoal

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA na papananagutin ang mga Chinese nationals na nilabag ang fishing agreement sa mga bahura ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ang nasabing pahayag ni Cayetano ay tungkol sa nag-viral na video na kung saan may mga Chinese nationals na kinukuha ang mga nahuling isda sa Scarborough shoal.

Ayon kay DFA Secretary Allan Peter Cayetano tinalakay ang nasabing issue ni DFA Undersecretary sa ginawang meeting kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Tinalakay din ni Cayetano ang nasabing issue kasama ang envoy noong 17th Filipino -Chinese friendship day nitong nakaraang Sabado.

Sec. Cayetano:
“We have an agreement with them that all fishermen are free, except on protected areas because of ecology and the environment — like the lagoon at the Scarborough shoal, that’s the spawning ground for fishes, or the giant clams you see — if they are taken by Filipinos or Chinese people, there will really be apprehension”.

Kasalukuyan ng pinag-aaralan anila ng dalawang panig ang pagbuo ng isang isang complain system upang kaagad makapagreklamo ang mga mangingisda sa Scarborough shoal kapag nakakaranas ng pangha-harass.

Dahil dito hinihikayat ni Cayetano ang lahat ng mangingisda na kaagad na ireport sa kanila ang anumang insidente ang magaganap upang kaagad nila itong maaksyunan.

Let me assure the fishermen that we are doing everything, that both sides have assured that at the traditional fishing grounds, we will be able to fish undisturbed, now if there are incidents, nangyayari talaga ‘to (this really happens), report it to us at kami ‘di rin naman itatago ‘to sa media (we will not hide this from the media”.

Matatandaan nito lamang kamakailan ay nagkaroon ng agreement ang China at Pilipinas upang madisiplina ang kani-kanilang coastguards at mga mangingisda sa kani kanilang mga lugar.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *