DFA : Wala nang backlog sa passport applications sa PHL
Ipinagmalaki ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang backlogs sa aplikasyon ng pasaporte sa bansa.
Sinabi ng DFA -Office of Consular Affairs na wala itong mga tambak na trabaho partikular sa pag-iimprenta at sa appointment para sa pagkuha ng bagong pasaporte.
Umikli na rin anila ang pagproseso sa mga pasaporte.
Mula sa pitong araw ay limang araw na lang ang passport processing para sa expedited processing habang 10 araw sa regular processing mula sa dating 12 araw sa Metro Manila.
Bumilis din ang pag-iisyu ng mga pasaporte sa ibang bahagi ng bansa sa 12 araw mula sa 15 araw.
Samantala, inanunsiyo ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na apat na karagdagang consular offices ang bubuksan sa bansa ngayong taon.
Ang mga ito ay sa Antique; Candon, Ilocos Sur; Balanga, Bataan; at Olongapo City.
Aniya, bahagi ito ng mga hakbangin ng DFA para mas mapaghusay at mapabilis ang pagproseso ng mga pasaporte at iba pang consular services nito alinsunod na rin sa Bagong Pilipinas ng Gobyernong Marcos.
” The recent enhancements implemented by OCA have not only streamlined our processes, but have also transformed the application experience for our clients. Gone are the days of enduring extended queues for consular services. Today, passport applications can be efficiently completed in a matter of minutes, rather than hours ” ani Secretary Manalo.
Moira Encina