Diabetes, Sakit sa Puso at Cancer, maaaring maranasan ng mga taong palainom ng softdrinks ayon sa DOH
Ayon sa World Health Organization o W.H.O., kapag ang isang tao ay palainom ng softdrinks o anumang beverages na sagana sa asukal, mabilis na nakapagdadagdag ito ng timbang.
Ang labis na timbang o overweight ay maaaaring pagmulan ng diabetes, sakit sa puso at cancer.
Samantala, suportado naman ng Department of Health o DOH ang House Bill Number 4039 na naglalayong i ban ang pagtitinda ng softdrinks o anumang inuming makapipinsala sa kalusugan sa mga paaralan.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na matagal na naman nilang isinusulong ang healthy standards sa mga paaralan kung kaya suportado nila ang naturang House Bill.
Payo pa ni Ubial, dagdagan ang pag inom ng tubig dahil mas lalong makapagpapa uhaw ang pag inom ng softdrinks, lalo na at nakararanas ng uhaw.
Ulat ni : Anabelle Surara