DICT nilinaw na hindi ito nambabato ng sisi sa Chinese govt.
Niliwanag ng Department of Information and Communications Technology o DICT na hindi nito inaakusahan ang gobyerno ng Tsina na nasa likod ng tangkang hacking sa websites ng ilang tanggapan ng pamahalaan.
Sa panayam ng programang Ano sa Palagay Nyo, sinabi ni DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso na nabatid lang nila na base sa IP address at modus operandi ay nagmula sa teritoryo ng Tsina ang mga may kagagawan sa tangkang hacking.
Ayon kay Paraiso, ipinapaalam nila sa Tsina ang nasabing insidente para maaksyunan ito ng Chinese government na kinukondena ang mga nasabing hacking.
Paliwanag pa ng DICT official, hindi lang IP address ang pinagbatayan nila ng kanilang pahayag na mula sa China ang hackers.
Tiniyak pa ni Paraiso na pinapalakas ng gobyerno ang cyber security ng bansa kahit sa kulang sa pondo at ang mga tauhan.
Sa isang pahayag, pinabulaanan naman ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang mga ispekulasyon na may kinalaman ang gobyerno ng China sa hacking.
Moira Encina