DICT: Walang extension ang SIM registration sa ngayon
Walang plano sa ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang April 26 deadline para sa subscribers identification module or SIM Card registration.
Sa statement na inilabas ng DICT, sinabi nitong natanggap nila at kinikilala ang maraming request mula sa Public Telecommunications Companies (PTCs) para sa extension ng SIM registration.
Gayunman, hinihikayat ng DICT ang lahat na magparehistro para sa promosyon ng responsableng paggamit ng SIM at tumulong sa gobyernong gawin ang trabaho para tugisin ang mga tiwaling gumagamit sa SIM card sa kanilang panloloko.
“We encourage everyone to register to promote the necessary tools to crack down on perpetrators who use SIMs for their crimes,” sabi sa statement.
Paalala pa ng DICT na ang kabiguang magrehistro ay magreresulta sa deactivation ng mga SIM cards.
“Non-registration will result in the deactivation of their SIMs and eSIMs, barring them from receiving and sending calls and text messages and accessing mobile applications and digital wallets,” diin pa sa pahayag.
Sa harap naman ng pagkwestyon sa konstitusyunalidad ng SIM Registration Act, nanindigan ang DICT na priyoridad na itinataguyod ng batas ang karapatan ng mga Filipino kaakibat ang safeguards para tiyakin ang confidentiality at security ng user data.
Weng dela Fuente