Digitalization, pangunahing prayoridad ng mga bangko sa bansa sa susunod na dalawang taon –BSP
Ang digitalization ng mga produkto at serbisyo ang pangunahing strategic priority ng mga bangko sa bansa sa susunod na dalawang taon.
Ito ay batay sa Banking Sector Outlook Survey sa unang semestre ng 2022 na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa nasabing survey ay tinanong ang mga presidente/chief executive officer/country manager ng universal o commercial banks, thrift banks at mga pangunahing rural at cooperative bank.
Ayon sa BSP, karamihan sa mga bangko ay pinabubuti na ang digital capabilities upang mapagsilbihan nang mabuti ang mga kliyente.
Tinukoy naman ng mga bangko ang deposit operation na pinakamahalaga na area technology application at sumunod ang payment systems.
Base pa sa survey, karamihan ng mga bangko ay batid ang cybersecurity risks na kaakibat ng pag-shift sa digital platforms ng mga pinansiyal transaksiyon.
Kaugnay nito, ang mga respondent na bangko ay nag-invest sa updated security tools.
Moira Encina