Digitization sa proseso ng COA isinusulong

Target ng Commission on Audit (COA) na makamit ang digital transformation sa mga proseso nito sa susunod na pitong taon.


Ito ang tinalakay sa planning conference ng COA na pinangunahan ni Chairperson Gamaliel Cordoba at dinaluhan ng nasa 140 senior COA officials.


Inilahad ni Cordoba ang kaniyang 10-point agenda para maisulong ang digitalization sa COA.


Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng government accounting system na nakasusunod sa international standards; paggamit ng e-audit at pag-improve pa ng audit techniques.


Nais din ni Cordoba na magkaroon na ng automated audit system ang COA para sa e-collections at e-payments, at paggamit ng artificial intelligence (AI).


COA has long held the respect of the public and government agencies as an institution that zealously safeguards the nation’s coffers… we are now moving into modernizing audit through leveraging technology. I hope that we will be ableto take a step further, enabling a technology driven government accounting system, digitizing government transactions in partnership with all government agencies and paving the way for e-audit as the manner of conducting audit,” sabi ng opisyal.


Alinsunod ang mga hakbangin sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makamit ang digitalization sa bansa.


Kabilang pa sa 10-point agenda ni Cordoba ay ang maiakma ang mga kasalukuyang panuntunan ng ahensya sa panahon ngayon.


Isa na rito ang pag-update sa audit guidelines para sa e-payment upang masakop ang mga kontrata ng mga ahensya ng pamahalaan sa social media platforms.


Plano rin ni Cordoba na mapunan ang mahigit 5,000 bakanteng posisyon sa COA.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *