Digitized prison records ng PDLs, 85% nang tapos – BuCor

Inaasahan ng Bureau of Corrections (BuCor) na mas bibilis na ang pagproseso ng pagpapalaya sa persons deprived of liberty (PDLs), dahil sa malapit nang ma-digitize ang lahat ng prison records ng mga ito.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., na 85% nang kumpleto ang digitized carpeta system o prison records ng PDLs.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., “Hopefully ito ring end of march or april tapos na itong carpeta digitized naman ito [jump to] mas mabilis ang releases kapag kumpleto ang data. mabilis kaming makadecide kung digitized. Sabihin ng computer o ito minimum sentence served na good conduct pwede sya eligible sya.”

Aniya, tinatayang 45,000 PDLs ang nagawan na ng digitized prison records ng BuCor.

Bukod dito, sinabi ni Catapang na naglabas na ng kautusan si Justice Secretary Crispin Remulla para sa agarang pagpapalaya ng PDLs na nakumpleto na ang hatol na hindi na idaraan sa DOJ.

Ani Catapang, “Yun ang directive ng department order kapag sentenced served di na kailangan na i-akyat sa DOJ.”

Sa tala ng BuCor ngayong Pebrero, mahigit 700 PDLs mula sa mga kulungan ng BuCor ang lumaya matapos na mapagsilbihan ang sentensya.

NBP- 345

CIW- 66

SPPF- 27

IPPF- 31

LRP- 47

DPPF- 134

SRPPF- 56

TOTAL: 706

Pitompu’t-tatlo sa PDLs ang nakalabas na rin ng piitan nitong Pebrero 29.

NUMBER OF RELEASE- FEB 29, 2024

NBP- 46

CIW- 3

SPPF- 3

IPPF- 3

DPPF-9

TOTAL: 73″

Pinakamarami sa mga lumaya nitong Huwebes ay mula sa New Bilibid Prison na 46.

Mula sa simula ng Pamahalaang Marcos, nasa 12,000 PDLs na ang nakalaya.

Samantala, binuksan na ang visitor’s park sa loob ng maximum security camp ng Bilibid.

Ayon sa BuCor, may sukat na 5,000 metro kwadrado ang parke.May playground ito para sa mga bata at mga nipa hut para sa bumibisitang pamilya ng PDLs.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *