Diskuwento Caravan ng DTI binuksan sa Balanga, Bataan
Pormal nang binuksan ang dalawang araw na diskuwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI), sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga sa lungsod ng Balanga sa Bataan.
Makalipas ang dalawang taon ay muling binukan ang Diskuwento Caravan para tulungan ang micro entrepreneurs sa Bataan.
Ang pagbubukas ng caravan ay pinangunahan ni Balanga Mayor Francis Garcia, city municipal heads at ni DTI Bataan Provincial Director Nlin Cabahug at mga kasama nito.
Limampu at tatlong food and non-food distributors at retailers ng micro small medium enterprises o MSMEs ang lumahok sa caravan, kung saan anim sa kanila ay galing sa ibang lugar gaya ng Marikina, Rizal at Quezon City.
Tampok sa caravan ang iba’t-ibang pagkain, grocery products, mga bag, mga sapatos, housewares, school supplies at mga produktong gawa ng mga taga Bataan.
Layunin ng aktibidad na makatulong at ma-expose ang mga negosyante sa lalawigan at para makabili ang mga mamamayan ng mga produktong may diskuwento at mga produktong may kalidad.
Nagpasalamat naman si Cabahug sa lahat ng lumahok sa naturang caravan.
Report ni Josie Martinez