Dismissed Mayor Alice Guo at Dennis Cunanan, naghain ng kontra- salaysay sa DOJ para sa reklamong human trafficking
Naghain ng mosyon ang kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa DOJ kaugnay sa reklamong human trafficking laban dito kaugnay sa illegal POGO operations.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, hiniling ni Guo na mabuksan muli ang imbestigasyon at tanggapin ang kaniyang kontra-salaysay.
Una nang idineklarang submitted for resolution ng DOJ ang reklamo matapos na mabigo si Guo na magsumite ng counter- affidavit.
Sinabi ni Ty na alinsunod sa panuntunan ng DOJ dapat ay personal na pinanunumpaan ng respondent ang kanilang kontra-salaysay.
Pinaiimbestigahan naman ni Ty sa NBI kung pinanumpaan talaga ni Guo sa notaryo ang kontra- salaysay at kung totoo ang nasabing notaryo.
Samantala, humarap naman sa DOJ ang isa sa mga respondent sa human trafficking complaint na si Dennis Cunanan para isumite at panumpaan ang kontra- salaysay.
Si Cunanan ay itinuturong kinatawan ng mga POGO sa Bamban at Porac.
Tumanggi na magbigay ng pahayag si Cunanan at ang mga abogado nito.
Moira Encina- Cruz