Disney at Reliance ng India magsasanib
Lumagda ng isang “binding pact” ang Reliance Industries ng India para sa isang merger deal kasama ng local unit ng Walt Disney.
Ang entertainment market ng India ay isa na sa pinakamalaki sa mundo, at ang inaasahang “merger” o pagsasanib ay nakatakdang lumikha ng isang malawak at makapangyarihang entertainment giant.
Ang tungkol sa deal ay nabalita habang naghahanda ang billionaire tycoon na si Mukesh Ambani, chairman ng oil-to-telecoms giant Reliance Industries, na ma-meet ang chief ng Disney na si Robert Iger sa March 1 sa kasal ng kaniyang anak na lalaki, na gaganapin sa western Gujarat state sa India.
Ayon sa Bloomberg, sa naturang deal ay inaasahang mapupunta sa media unit ng Reliance at sa affiliates nito ang hindi bababa sa 61-percent share sa merged entity, at ang nalalabi ay hahawakan na ng Disney.
Wala pang agad na tugon mula sa Disney man o sa Reliance nang tanungin ukol dito.
Sumailalim sa malaking pressure ang Disney mula nang umalis si Iger sa kumpanya, pero muling pinabalik mahigit isang taon makalipas ng kaniyang semi-retirement, dahil sa hindi magandang performance ng pumalit sa kaniya.
Ang 66-anyos na si Ambani, ang pang-sampu sa pinakamayamang tao sa mundo ayon sa Forbes real-time billionaires list.
Nag-imbita siya ng makapangyarihang mga negosyante at pulitiko para sa selebrasyon ng kasal ng kaniyang anak na si Anant Ambani at kasintahan nitong si Radhika Merchant, anak ng isang industrialist, simula March 1-3.
Ayon sa Reliance partially-owned broadcaster CNBC-TV18, kabilang sa guest list ni Ambani ang Meta head na si Mark Zuckerberg, Microsoft founder na si Bill Gates at Adobe CEO Shantanu Narayen, kasama ng iba pang investment at banking chiefs, at mga bituin ng Bollywood at sikat na cricket players.
Kasama rin sa iba pang guest sina Ivanka Trump na anak ni dating US President Donald Trump. Maging ang dating Swedish prime minister na si Carl Bildt, dating Canadian prime minister na si Stephen Harper at ang Hari ng Bhutan.
Noong nakaraang buwan, ang iminungkahing $10 billion merger sa pagitan ng Zee Entertainment ng India at ng lokal na yunit ng Japanese giant na Sony ay nakansela, na batay sa mga ulat ay dahil sa mga hindi pagkakasundo sa kung sino ang mamumuno sa bagong entity.