Disney, magtatanggal ng 7,000 empleyado matapos bumaba ang subscribers nito
Sinabi ng Entertainment giant na Disney, na magtatanggal ito ng 7,000 mga empleyado, sa unang major decision ng CEO na si Bob Iger, mula nang hilingin na muli niyang pangunahan ang kompanya sa huling bahagi ng nakalipas na taon.
Ang layoffs ay kasunod ng kapareho ring mga hakbang ng US tech giants na pagtatanggal ng libu-libong mga trabahador bunsod ng prolema sa ekonomiya.
Sinabi ni Iger matapos tawagan ang analysts makaraang i-post ng Disney ang latest quarterly earnings nito, “I do not make this decision lightly. I have enormous respect and appreciation for the talent and dedication of our employees worldwide.”
Ayon sa kanilang 2021 annual report, nag-hire sila ng 190,000 katao sa buong mundo hanggang noong October 2 ng 2021, na ang 80% ay full-time.
Sinabi rin ng kompanya na itinatag ni Walt Disney, na nakita ng streaming service ang unang pagbagsak sa subscribers nito sa nakalipas na quarter, dahil nagbawas ng paggasta ang mga consumer.
Ang subscribers sa Disney+, na katunggali ng Netflix, ay bumagsak ng isang porsiyento sa 161.8 million customers noong December 31, kumpara sa tatlong buwang nauna.
Malawakn nang inaasahan ng analysts ang naturang pagbaba, at ang share price ng Disney ay namamalaging mas mataas ng eight percent sa post-session trading.
Si Iger na bumaba bilang CEO noong 2020 makaraan ang halos dalawang dekadang pamumuno sa kompanya, ay ibinalik matapos patalsikin ng board of directors ang pumait sa kaniya na si Bob Chapek, dahil nadismaya ang mga ito sa kaniyang abilidad na rendahan ang mga gastusin, at itinurong nagpapatakbo ng isang maliit na grupo ng executives na gumagawa ng mahahalagang desisyon tungkol sa content, kahit na kakaunti ang karanasan sa Hollywood.
Sa muling pag-upo bilang CEO, si Iger ay nahaharap sa malalaking problema, kabilang ang kampanya ng aktibistang mamumuhunan na si Nelson Petz na humihiling ng malaking pagbawas sa gastos pagkatapos niyang sabihin na nag-overspending ang Disney sa pagbili sa 20th Century Fox movie studio.
Naiipit din ang Disney sa hidwaan kay Florida governor Ron DeSantis, na nagnanais na bawiin ang kontrol sa lugar sa paligid ng Walt Disney World, na hanggang ngayon ay kontrolado ng entertainment giant.
Habang nakararanas ng struggles ang Disney+, nag-anunsiyo naman ang katunggali nito na Netflix na nakabawi na at mayroon nang mga bagong subscriber sa pagtatapos ng nakalipas na taon.
Sa sariling pagsisikap na rendahan ang kanilang mga gastusin, ay sinimulan na ng Netflix ang isang kampanya na pigilin ang password sharing sa kalipunan ng daang milyon nilang global subscribers.
Nitong Miyerkoles ay ibinunyag ng Netflix na sinimulan na nilang i-crack down ang password sharing sa Canada, New Zealand, Portugal, at Spain habang patuloy ang roo out ng bago nilang polisiya sa buong mundo.
© Agence France-Presse