Distance Learning Activities sinuspinde muna ng DepEd Reg. 4a sa 5 bayan sa Rizal Province.

Sinuspinde muna ng DepEd region 4a ang distance learning na ipinatutupad nito sa limang munisipalidad sa Rizal Province matapos manalasa ang bagyong ulyssses sa bansa nitong mga nakalipas na araw. 


Batay sa inilabas na DepEd memo no. 511 series of 2020, suspendido ang distance learning activities nito mula Nov. 16 hanggang Nov. 20 sa mga munisipalidad ng Rodriguez, San Mateo, Cainta, Taytay, Baras-Pinugay at Tanay. 

Ito ay dahil sa labis na pinsalang idinulot ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Rizal.


Inatasan din ni DepEd Region 4a Director Wilfredo Cabral ang mga school district superintendent na magsagawa ng inventory sa mga available pang Self Learning Modules na kanilang kailangan.

 
Hinikayat din ng DepEd reg. 4a ang mga Schools Division Office Head na mag initiate ng donation drive in any kind na maaring maipadala sa limang apektadong munisipalidad sa Rizal province.

Jet Hilario

Please follow and like us: